CHAPTER [6]
→→→→→→→→→→→→
Uwian na nun, sabay lang kami nila Angela, Jerome at ang pinsan kong si Luke. Habang nasa gate na kami, nakita ko lang si Mark at Carl na papalapit sa'min.
''Hatid na namin kayo, may kotse akong dala.'' saad ni Mark. Nakangiti lang si Carl ng tingnan ko sya. Haixxt, ba't ba ngiti sya ng ngiti? Bakit ayaw nyang magsalita?
''Guy's una na ako, nandyan na kasi ang sundo ko eh.'' pagpapa-alam ni Angela, agad lang din syang nagwave ng kamay at umalis.
''Erika, may pupuntahan pa kami ni Jerome. Ano? Sasabay ka ba sa'min? Oh dyan ka na sa Prince Charming mo?'' tanong ng pinsan kong si Luke.
''Syempre sa Prince Charming ko, ay este... sa inyo na ako sasabay Luke.'' ayt, mukhang nadulas pa yata ako dun ah.
''Sigurado ko?'' tanong pa ni Mark.
''Oo nga insan, sigurado ka ba talaga?'' natatawang saad ni Luke. Nagtawanan naman silang apat. Aixxt, ang gagwapo ng mga kasama ko, si Jerome walang duda yong kapugian nya... pati si Mark may ma-ipagmamalaki din, yong pinsan ko sobrang gwapo rin, pero yon nga lang... gwapo rin yong hanap nya eh, haha. At si Carl, oh my G! Sobrang perfect nya sa paningin ko. Yong mga kumikinang at nangungusap nyang mata, yong matangos nyang ilong at yong mga mapupula nyang labi, ang sarap pagmasdan, ang sarap halikan. Grabe, ang sarap lang nyang yakapin! Ganito nga talaga siguro pag nagmamahal ka nuh? Kahit hindi sya perfect, yong tingin mo sa kanya is beyond perfection. Yong kahit kaliit-liitang detalye tungkol sa kanya o sa mga ginagawa nya, ay na-aappreciate mo. Teka lang, PATAY!! Mukhang masyado na nga yatang malalim ang pagkahulog ko sa kanya. Nahinto lang ang pagpapantasya ko ng bigla akong hilahin ni Luke papunta sa kotse nya.
''Hoy Erika, natulala ka na.'' saad ni Luke.
''Anong nangyari?'' gulat na saad ko. Nagtawanan naman sila ni Jerome at pumasok sa sasakyan, agad lang din akong sumakay at na-upo sa loob ng sasakyan.
''Ano ba ang nangyari? Nasa'n na si Carl at Mark?'' nagtawanan naman ulit silang dalawa.
''Kanina pa sila nagpa-alam, umalis na sila, ikaw naman kasi... tulalang-tulala ka kay Carl, halos tumulo na nga ang laway mo eh.'' saad pa ng pinsan kong si Luke, si Jerome naman tawa lang ng tawa. Shitt! Totoo ba? Ahh, sobrang nakakahiya! Pina-andar lang ng driver nila Luke ang sasakyan at hinatid na nila ako sa bahay.
Ilang linggo pa ang lumipas, mas naging malapit pa kami ni Carl sa isa't-isa. Mas lumalim pa ang pagkakaibigan namin. At take note; NILILIGAWAN nya na ako... ayt, akala ko pa naman kami na, hehe. Syempre, dahil isa akong maganda, birhen at walang muwang na babae, nagpapakipot muna ako nuh, haha. Ayoko ng padalos-dalos na desisyon, ayokong pumasok sa walang kasiguraduhang relasyon. Oo, di ko ma-ipagkakaila na mahal ko na sya, pero dahil nga babae ako, hmm.. pakipot na muna, haha.
Linggo nun ng pumunta ulit kami ni Carl sa park kung saan kami unang nagkita, umupo lang kami sa bench na yon sa ilalim ng isang malaking puno.
''Na-aalala mo pa ba ang mga nangyari sa lugar na'to? tanong nya.
''Oo naman nuh, hinding-hindi ko makakalimutan yon nuh, pinagtripan mo kaya ako nun.'' tugon ko, aixxt... parang kailan lang nung una kaming magkita, tapos ngayon nangliligaw na sya sa'kin? At uhmm, at... hehe yes, sasagutin ko na sya. Halos mag-iisang buwan na rin syang nanliligaw sa'kn eh, kaya tama na muna ang pagpapakipot, haha. Nararamdaman ko naman na talagang seryoso sya sa'kin eh. Saka yong puso ko.. Gustong-gustong tumalon pagkasama ko sya. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, maya-maya.
''Erika, mahal na mahal kita.'' seryosong saad nya nginitian ko naman sya.
''Alam ko naman yon Carl, eh.. diba nga umpisa pa lang sinabi mo na sa'kin yon.'' sagot ko.
''Yon naman pala eh.'' saad nya na may ngiti sa labi. Yeah, NAGLILIWANAG ANG LANGIT SA MGA NGITI NYANG YON!
''Bakit ka nakangiti?'' tanong ko na lang, pero ang totoo gustong-gusto ko naman yon eh, hehe.
''Diba ito naman ang gusto mo?'' saad nya na mas lumaki pa ang ngiti sa labi. Natigilan naman ako sa sinabi nya, ano kaya ang ibig nyang sabihin dun? ''Erika, diba gustong-gusto mong nakikita akong nakangiti? Di ba nga sinabi mo pa na pag ngumingiti ako parang nagliliwanag ang buong kalangitan?'' nakangiting saad nya, para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nyang yon. Teka, pa'no nya nalaman? Sinong nagsabi sa kanya? Wala naman akong sinabi ah? Buking na buking na yata ako, haha. Alam nya na yata na patay na patay ako sa kanya, lol.
''Ah, eh...'' nahihiyang saad ko, bistado na kasi ako eh, hehe.
''So pa'no?'' saad nya na may nakakalokong ngiti.
''Anong pa'no?'' kunot noong tanong ko.
''So pa'no tayo na? Erika tayo na ba?'' saad nya, hindi naman ako nakasagot sa tanong nyang yon, oh my G! This is it! Kami na? Kami na ba? As in KAMI? ''Silence mean's YES.'' nakangiting saad nya. Na-alimpungatan ko na lang na bigla nya na lang akong niyakap at dahan-dahang inilapit ang labi nya sa labi ko. Oh my GOD! Nagkiss kami? Agad-agad? Halos di naman ako makagalaw sa paghalik nya sa'kin, masuyo nya lang akong hinalikan na unti-unti ko rin namang sinagot. Halos hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari, maya-maya dahan-dahan syang humiwalay sa paghalik nya, ayt, nabitin ako, haha joke!
''Erika, thank you! I Love You,'' seryoso at nakangiting saad nya, nanatili naman akong tulala lang. Nagkiss kami? Sa lips? (malamang!) hoy, Author wag kang epal pwede, ninanamnam ko pa tong moment na'to eh, wag kang 'KJ'. (dapat nga magpasalamat ka sa'kin eh!) THANK'S Author, the best ka. AHH!! Hindi ko na kaya 'to, sobrang sarap sa pakiramdam, sobrang lambot ng labi nya... ang galing at ang sarap nyang humalik. GRABE!! Yong puso ko tumatalon! Haha, ano yon? Jumping heart? Lol! ''Tara na.'' saad pa ni Carl, ayt.. panira sya, dinadama ko pa tong moment na'to eh, hehe. Haixxt hapon na pala. Dali-dali lang kaming naglakad papuntang sakayan at hinatid nya na ako sa bahay.
Nasa bahay na ako nun, matapos akong ihatid ni Carl umuwi din sya agad, nandito kasi ang kuya ko eh, natatakot syang magpakita kay kuya, kaya hanggang gate lang sya nga bahay namin, ayaw nya na daw pumasok pa. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyari, nagkiss ba talaga kami ni Carl? Ang PRINCE CHARMING KO? At KAMI na? WOAH!!!
''Hoy.'' napalingon naman ako ng marinig yong boses, si kuya pala. Nasa sala kasi ako, naka-upo lang sa sofa, dahan-dahan naman syang lumapit sa'kin at umupo rin sa sofa.''Kanina ka pa nakangiti ah? Anong meron?'' tanong ni kuya, aixxt hindi ko hahayaang sirain ni kuya ang gabi ko, ay oo nga pala... okey lang kaya kay kuya na... na, may boyfriend na ako? Magagalit kaya siya? GOD please! Author, ikaw na ang bahala.
''Ahmf, kuya... uhmm, may sasabihin ako sa'yo.'' may pag-aalangang saad ko. Haixxt, sana okey lang sa kanya.
''Ano naman?'' tanong nya.
''Kuya... hmm, okey lang ba sa'yo kung magkaroon ako ng boyfriend?'' sambit ko, kita ko naman na kumunot yon noo nya.
''Wag mong sabihin sa'kin na... hoy Erika, umamin ka nga, may boyfriend ka na ba?'' kunot noong saad nya.
''Eh.'' ang nasambit ko na lang.
''Siya ba yong naghatid sa'yo kanina sa may gate? Anong pangalan ng gagong yun?'' marahan naman akong tumango sabay bigay ng isang tipid na ngiti. ''Pag bumalik pa dito yon, sasapakin ko talaga yon.''
''Kuya para kang tanga.'' saad ko, binatukan naman nya ako. ''Aray.'' saad ko lang. Ang OA nya nambabatok agad?
''Anong pangalan nya?''
''Carl kuya.'' tugon ko.
''Ba't di mo sya pinakilala sa'kin?''
''Eh kasi, uhmm.'' may pag-aalangang saad ko.
''Dahil baka magalit ako? Dahil baka pagbawalan kita?'' tanong nya tumango lang ako dito. ''Pag nakita ko ulit yong lalaking yon papatayin ko sya.'' seryosong saad nito.
''Kuya naman.''
''Makikita nya.'' ismid nito.
''Kuya.'' pagmamaktol ko.
Ipakilala mo sya sa'kin ha? Gusto ko syang maka-usap, yong usapang lalaki sa lalaki! Pag nalaman kong sinaktan nya ang nag-iisang prinsesa namin ni Papa, makikita nya... bubugbogin ko sya, gigilitin ko talaga ng leeg yong lalaking yon.'' seryosong saad ni kuya.
''Okey lang naman sa'yo kuya namagkaboyfriend ako diba?'' tumango-tango lang sya at ngumiti. ''Salamat kuya ha.'' saad ko pa saka sya mahigpit na niyakap. Itong kuya kong to, kahit minsan masungit sya, mahal na mahal ko to. Kahit napaka-over protective nya sa'kin, kahit madaming ipinagbabawal sa'kin at kahit lagi nya akong inaasar, alam ko mahal nya rin ako. Alam ko na kapakanan ko lang ang ini-isip nya. Ganyan naman talaga ang magkakapatid eh, kahit minsan nagkakatampuhan, kahit nagkakapikonan na sa mga asaran, sa bandang huli mananaig pa rin ang pagiging magkapatid. Haixxt, buti na lang hindi sya tutol sa lovelife ko, hihi. Buti na lang na-iintindihan nya ako. Buti na lang at sya ang naging kuya ko. Kaya mahal na mahal ko tong kuya ko nuh. Kaming dalawa na lang ang natira ni kuya, kaya dapat walang iwanan!
→→→→→→→→→→→→
→To Be CONTINUED
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento