Linggo, Hulyo 19, 2015

CHAPTER [5]

→→→→→→→→→→→→

                          Dumating na nga ang linggo, araw ng libing ng Dad ni Carl. Nasa loob kami ng simbahan nun, habang nagmemesa ang pari ramdam na ramdam ang lungkot sa loob ng simbahan. Magkatabi kami ni Carl at halos mamaga na ang mga mata nya sa kaka-iyak. Hindi naman kabawasan sa pagiging lalaki ang umiyak diba? Masakit yong nangyari sa kanya eh. Kaya na-iintindihan at nararamdaman ko ang pighating dinadala nya.

''Erika, salamat ha... dahil nandito ka, kahit papa'no nababawasan ang lungkot ko at nagkakaroon ako ng lakas ng loob.'' mahabang saad nya.

''Ayos lang Carl, ganun naman talaga ang magkaibigan ehh. NAGDADAMAYAN, sa lungkot man o saya magkasamang lumalaban.'' sambit ko.

''Alam mo ang swerte mo Erika, kasi..... ikaw, nasabi mo sa papa mo na mahal na mahal mo sya. Ako kasi, di ko man lang sya nakaka-usap ng ma-ayos eh, di ko man lang na-ipadama sa Dad ko na mahalaga sya sa'kin. Sobra akong nagsisisi ngayon, dati kasi, pasaway ako, lagi kong sinusuway yong mga utos nya. Puro sakit ng ulo lang yong naibibigay ko sa kanya.'' mangiyak-ngiyak na saad nya.

''Wag ka ng umiyak ,Carl.''

''Hindi ko lang mapigilan eh.'' tugon nya. Maya-maya pinahid nya ang mga luha nya at pumunta sa harapan at nagsalita gamit ang mikropono dun.

''I'll just wanted to say thank's to my Dad. For all those beautiful moment's. I will never forget all these! Hmm, thank you Dad for the memories and the thing's we've shared. I will keep all these in my heart. I will treasure and cherish it. I'm sorry Dad for all the misunderstanding's. I know you're happy now... in Heaven, with GOD! You may rest in peace. We will miss you Dad, I Love You.'' na-iiyak na saad nya. Ramdam ko talaga ang lungkot sa kanyang mga mata habang nagsasalita sya, yong sakit na nararamdaman nya, damang-dama ko rin. Pagkatapos nun, akala ko talaga babalik na sya sa pwesto nya, pero may gagawin pa pala sya.

''I'll just want to dedicate this song to my beloved Dad.'' saad nya, habang pahid-pahid ang luha. At yon nga, nagsimula na syang kumanta sa loob ng simbahan.

♫♪ '' 'Mahal Kita Aking Ama' - LYRICS'' ♪♪

By; @CasirayanJunrey

VERSE 1;

♫ Heto na ako ngayon, unti-unting nakakabangon! ♫♪
♪ Tuluyan ng nakakalimot sa sugat ng kahapon!♫
♫ Sa kabila ng lahat ng mga luha ko noon ♪♫♫
♪ Kaya ko ng ngumiti at tumawa ngayon!♪♫

VERSE 2;

♫Ayoko ng balikan pa ang kahapong lumipas na. ♪♪
♫ Ngayon haharapin ko ang panibagong simula! ♫♪
♪ Kahit papa'no may natutunan din naman ako sa'yo! ♫♫
♪ Dahil sa paglisan mo, mas tumibay ang puso ko! ♪♫

CHORUS;

♫ Oh aking Ama, sana'y mapatawad pa. ♪♪
♫ Di ko na-ipadama na ika'y mahalaga! ♫♪
♫ Nagsisisi na hinayaang magkawalay pa! ♫♪♪
♫ Nanghihinayang na di ko nasabing MAHAL na MAHAL kita! ♫♪

VERSE 3;

♪ Siguro nga sa paglisan mo nadurog ang puso ko! ♫♫
♪ Pero ngayon susubukan kong buo-in muli ang sarili ko. ♪♫♫
♫ Nagpapasalamat ako sa mga ala-alang iniwan mo.♫♪♪
♫ Pasensya na kung minsan naging pasaway ako! ♫♪

CHORUS;

♪ Oh aking Ama, sana'y mapatawad pa! ♫♫♪
♪ Di ko na-ipadama na ika'y mahalaga. ♫
♫ Nagsisisi na hinayaang magkawalay pa! ♪♪♫
♫ Nanghihinayang na di ko nasabing MAHAL na MAHAL kita! ♪♪

BRIDGE;

♫ Inaamin ko hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako! ♫♪
♫ Pero sa kabila nito mas naging matatag ako. ♫♪♪
♪ Salamat sa'yo at sa pagmamahal mo ♫♫♪
♪ Salamat dahil ikaw ang naging Ama ko! ♫♫

CHORUS;

♪ Oh aking Ama, sana'y mapatawad pa! ♪♫
♫ Di ko na-ipadama na ika'y mahalaga. ♪♪♫
♫ Nagsisisi na hinayaang magkawalay pa. ♪♪
♫ Nanghihinayang na di ko nasabing MAHAL na MAHAL kita! ♫♪

♪ Ngayong wala ka na, babaonin ko ang mga ala-ala mo. ♫♫
♫ MAHAL KITA AKING AMA, sana'y naririnig mo! ♫♪

. Halos nabalot ng katahimikan ang buong simbahan, tanging boses lang ni Carl ang maririnig. Umiiyak sya habang kumakanta. Nadala ako sa lyrics ng kinanta nya, kaya di ko na rin napigilan ang sarili kong lumuha. May ilan ding nasa loob ng simbahan na napaluha rin sa pagkanta ni Carl. Grabe, maganda pala yong boses nya. Ang swerte ko pala, kasi kahit wala na si papa... nasabi ko sa kanya na mahal ko sya noong nabubuhay pa sya, kahit papa'no na-iparamdam ko na mahalaga sya sa'kin. Siguro nga hindi nasabi ni Carl na mahal nya ang Dad nya noong buhay pa ito. Pero ngayon, nararamdaman at nakikita ko kung gaano ito ka-importante sa kanya. Siguro nga huli na ang lahat, dahil wala na ito at hindi na nya makaka-usap pa, ngunit alam ko na ngayon na nagsisisi na sya. Ganun naman talaga minsan diba? Saka lang natin malalaman ang halaga ng isang tao pag wala na ito. Tulad ko, nung di na ako pinapansin ni Carl, saka ko lang na-isip na may puwang na pala sya sa puso ko. Ayt, mahal ko ba sya? Mahal ko na ba sya? Ah, basta! Sa mga nangyari sa kanya ngayon mas lalo ko pa syang hinangaan. Mas lalong lumaki ang puwang nya sa puso ko. Matapos yon, inihatid na namin ang mga labi ng Dad ni Carl sa kanyang huling hantungan. At dumeretso lang kami sa bahay nila. Pinakilala nya lang ako sa Mom nya at sabay-sabay kaming kumain. Pagkatapos, hinatid nya lang ulit ako sa bahay at nagpa-alam.

Kina-umagahan... hmm, syempre sobrang excited ako, lunes na kasi, kaya... magkikita na naman kami ng Prince Charming ko, haha. Excited akong makita ulit ang mga ngiti sa labi nya. Panigurado magliliwanag na naman ang kalangitan, yeah... Lol.

. Pagkarating ko sa school, dali-dali lang akong pumunta sa library at ng hiram ng libro, matapos yon dumeretso na ako sa classroom. Na-abutan ko lang si Carl sa may pinto na may abot tengang ngiti sa labi. Sabi ko na nga ba eh, nagliwanag nga talaga ang buong kalangitan, hehe.

''Good morning.'' ngiti nito.

''Good morning din.'' tugon ko sabay ngiti rin. Sabay lang kaming pumasok at umupo. ''Okey ka na?'' saad ko, marahan naman syang tumango.

''Salamat sa'yo.'' nakangiting saad nya, nginitian ko din naman sya. Nag-umpisa lang yong klase namin, kaya di na kami masyadong nagka-usap ni Carl. Nang matapos ang klase... sabay-sabay lang kaming naglunch nila Carl, Angela at Mark. Kaming apat lang, double date kumbaga, haha.

Katahimikan.... isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa mesang yon habang kumakain kaming apat. Ewan ko ba bakit ayaw naming magsipagsalita, siguro na-iilang lang kaming apat, syempre parang nagdouble date na rin kami nun eh, haha. Maya-maya binasag lang ni Angela ang katahimikang bumalot sa amin.

''Erika, nagka-ayos na ba yong pinsan mong si Luke at si Jerome?'' tanong ni Angela.

''Oo daw, bakit? Hindi ba kayo nagtetext ng pinsan ko o kaya ni Jerome?'' umiling-iling lang sya.

''Hoy Carl, ba't ang tahimik mo dyan? Ka-usapin mo naman si Erika oh. Alam mo naman yang kaibigan ko, sobrang patay na pat→.'' pinandilatan ko lang si Angela ng mga mata dahilan sa paghito nya sa pagsasalita. Magkatabi kasi kami ni Carl at katabi naman ni Mark si Angela kaya nasa harapan ko si Angela. Ako patay na patay kay Carl? Ah... eh, uhmm, mukhang ibubuking pa yata ako ng babaeng to ah, haha, buti na lang naputol ko yong huli nyang sasabihin. Kita ko naman na napangiti si Carl, pero hindi pa rin nagsasalita. Iniba ko naman yong topic namin.

''Uhmm, Mark may kakilala ka bang Marian?'' tanong ko, magka-apelyido kasi sila nung Marian na kinikwento sa'kin ni Kuya eh. Baka lang naman magkamag-anak sila.

''May Ate akong Marian ang pangalan.'' sagot nya.

''Ah.'' patango-tangong saad ko, so kapatid nya pala yong crush ni Kuya. Nilingon ko naman si Carl, nakatitig pala sya sa'kin. Ba't di sya nagsasalita? Na-ubos na rin kaya ang english sa utak nya? Haha, o baka naman.... hindi lang sya nagsipilyo? Hehe. Pinagmamasdan nya lang yong bata, makinis at fresh kung mukha, ayeah.... kapal ko! Haha.

◦ू ♣◦ू♥̉̉̉◦ू◦ू♣◦ू♥̉̉̉◦✨◦ू♣◦ू♥̉̉̉◦ू◦ू♣◦ू♥̉̉̉◦

To Be CONTINUED

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento