CHAPTER [3]
→→→→→→→→→→→→
Nasa school na ako nun at nakikipag-usap kay Angela, tutal wala pa yong guro namin, kaya susulitin na namin to, nyahaha.
''Sino yong kasama mo kahapon? Grabe Erika, ang cute nya... what I mean is, ang pogi-pogi nya!'' kinikilig na saad nya. ''Boyfriend mo ba yon?'' dagdag na tanong niya.
''Ah, pinsan ko 'yon.'' sagot ko naman.
''Anong pangalan nya? Ang gwapo nya ha.''
''Luke Andrew, ang gwapo nya nuh?''
''Oo super, mukhang mayaman sya, diba may sasakyan sila?''
''Oo,'' maikling tugon ko.
''May girlfriend na ba sya?'' tanong ni Angela, haha.. kung alam lang nya, na ang pogi kong pinsan, pogi din ang hanap, haha.
''Ah, girlfriend? Wala siguro.'' sambit ko na lang.
''Buti naman.'' saad nya.
''Hoy, Angela pinsan ko yun ha. Wag yon!'' saad ko, haha buti sana kung patulan ka nun... Lol.
''Eh, pinsan mo lang naman. Teka, ilang taon na yon?''
''15 din sya, magka-edad lang kami.'' sagot ko.
''May mga kuya ba sya? Ilan silang magkakapatid? Paano mo sya naging pinsan?'' sunod-sunod na tanong nito.
''Ang dami mo namang tanong.'' reklamo ko.
''Sagutin mo na lang kasi.'' excited na saad nya.
''Lima (5) silang magkakapatid, yong Dad nya kapatid ni papa.''
''Ah, okey, kaya pala maganda ka rin, magkapamilya nga talaga kayo. Pakilala mo ako sa kanya ha?'' saad nito, tumango naman ako dito. Tumahimik lang kami ng dumating na si Mrs. Cruz. Agad lang akong bumalik sa upuan ko at napansin kong tingin ng tingin si Carl, syempre magkatabi lang kaya kami, mapapansin ko talaga yon nuh.
''Pwede wag kang tingin ng tingin sa'kin Carl, natutunaw ako.'' saad ko, at ewan ko rin ba kung bakit ko nasabi yon. Napangiti lang sya, sige ngumiti ka lang.. nagliliwanag ang langit.
''Seryoso ako dun sa sinabi ko kahapon.'' sambit nya. Ngunit isang matamis na ngiti lang ang iginanti ko, na ginantihan din nya ng abot tenga nyang ngiti. ''Sorry, talaga Erika ha, sorry kong napagtripan kita dati dun sa park. Yon lang kasi ang na-isip kong paraan para malapitan ka at upang mapansin mo ako.'' saad nya na halatang sincere sa sinasabi. At nginitian ko lang sya ulit. Sus, kung kina-usap nya na lang kaya ako ng ma-ayos nun, may pa ice pick, ice pick pa sya, kinabahan kaya ako dun, akala ko talaga totoong papatayin nya ako, haixxt. Maypa-iyak iyak pa ako nun, haha.
. Sinimulan na nga ni Mrs. Cruz ang klase.
''Okey class, what is Noun?'' tanong pa niya. Lahat naman kami nagsitaasan ng kamay, hello as in hello ang dali-dali kaya ng tanong. Ngunit sa lahat ng nagtaas ng kamay si Carl ang tinawag nya. ''Yes, Mr. Mendoza.''
''Noun is a word that names a person, places, things or an Idea.'' sagot ni Carl.
''Very good.'' saad ni Mrs. Cruz. Nagpalakpakan naman kami. ''Okey, how about Pronoun?'' nagsitaasan ulit kaming lahat, ngunit mukhang si Carl lang talaga ang nakikita ni Ma'am.
''A Pronoun is a word that takes the place of a Noun.'' sagot ulit ni Carl. Palakpakan ulit kami.
''How about Adjective?'' nagsitaasan na naman kaming lahat, pero mukhang malakas talaga ang dating ng kumag, este ni Carl, kaya sya ulit ang pinasagot.
''Adjective is a word that describes or modifies a Noun and a Pronoun.'' sagot na naman ni Carl sa tanong.
''Okey, very good Mr. Mendoza.'' palakpakan ulit kaming lahat. ''How about Verb?'' tanong na naman ni Mrs. Cruz. At si Carl na naman ang tinawag nya.
''Verb is a word or phrase that gives the action, or assert's something, in a sentence, clause.'' saad ulit ni Carl. Hanggang sa Adverb, Conjunction, Preposition at pati Interjection ay si Carl pa rin ang tanging nakikita ni Mrs. Cruz, at ito naman si kumag, I mean Carl, puro pasikat din. Nagpapa-impress siguro sa'kin, haha ang assuming ko.
. Ang sarap lang sipain nilang dalawa, si Mrs. Cruz at si Carl, ang sarap lang nilang pag-uuntugin o kaya pagtatadtarin, hehe joke. At nagsalita ulit si Mrs. Cruz.
''There are three types of verbal's- the INFINITIVE, the PARTICIPLE and the GERUND. As you all know, many verbal's in the present participle also ends in -ing, like the verbal gerund. So, my question now is; How would you differentiate a verbal participle, from a verbal gerund?'' tanong ni Mrs. Cruz. Ayt, NGA-NGA, haha. Dahil sa tanong na yon, tanging si Carl lang ang naglakas ng loob na magtaas ng kamay, ngunit sa kasamaang palad, AKO pa talaga ang tinawag ni Mrs. Cruz, haha bwesit. Pagmahirap ako talaga? Hindi naman ako nag hands up, ah? Bakit ako? Lol! Tumayo naman ako, ngunit ang mga katagang lumabas lang sa bibig ko ay.
''Ah.... eh.'' at umupo na lang ako dahil wala naman akong ma-isagot. Akala ko talaga si Carl na lang yong pasasagutin ni Mrs. Cruz, pero nung nilingon ko ang tinitingnan nya, yong kaklase pala namin na si Jerome Monforte. Nakatingin lang si Jerome sa labas ng bintana at mukhang napakalalim ng ini-isip. Bigla na lang syang tinawag ng guro namin.
''Yes, Mr. Monforte.'' saad ni Mrs. Cruz. Natigilan naman si Jerome sa pagmumuni-muni.
''I beg your pardon Ma'am?'' saad ni Jerome.
''As I was saying;
''There are three types of verbal's- the INFINITIVE, the PARTICIPLE and the GERUND. As you all know, many verbal's in the present participle also ends in -ing, like the verbal gerund. So, my question now is; How would you differentiate a verbal participle, from a verbal gerund?'' pag-ulit ni Mrs. Cruz sa tanong. At mabilis naman tong sinagot ni Jerome.
''The verbal present participle is used as a modifier in a sentence, while the gerund is used as noun.'' sagot ni Jerome.
''You're right, Mr. Monforte. Okey, can you please give me an example of what you are saying?'' saad ni Mrs. Cruz. Pumunta naman si Jerome sa blockboard at nagsulat.
''1. The playing coach lodged a complaint against the referee.''
''2. I like playing.''
''So where's the verbal participle and where's the verbal gerund in those two sentences?'' tanong ni Mrs. Cruz kay Jerome matapos nitong magsulat sa board.
''In the first sentence, 'playing' is the verbal participle, modifying the Noun 'coach'. While in sentence number 2, 'playing' is the Noun used as a direct object of the verb 'like'.'' mahaba-habang pagpapaliwanag ni Jerome.
''Very impressive Mr. Monforte.'' saad ni Mrs. Cruz. Nagpalakpakan naman kaming lahat, grabe ang galing nya, at ngayon ko lang napansin na talagang may hitsura din pala sya. Haha, walang binatbat si Carl, bleh!
. Pagkatapos ng klase nag lunch lang kami ni Angela ng sabay. Busy kami sa pagkain nun ng dumating si Jerome.
''Pwede pa-share ng mesa?''
''Sure.'' saad ni Angela.
''Jerome super galing mo. Matalino ka pala.'' saad ko. Ngumiti naman sya at sabay sabing.
''Salamat.'' gwapo nga talaga sya, pero iba pa rin yong ngiti ni Carl nuh, yong langit nagliliwanag pag si Carl na ang ngumiti. Ayehh!
''Uhmm, Jerome pwede mo kaming maging kaibigan.'' saad ko lang, haha pero pag si Carl tinatanggihan ko, bahala sya, feeling demure muna ako nuh, lol, magpapakipot muna ako kay Carl, hehe.
''Talaga?'' sambit ni Jerome.
''Oo naman, para may pagkopyahan na kami.'' pagbibiro ni Angela. Nagtawanan naman kaming tatlo, nagkwentuhan at syempre hiningi ni Jerome yong mga number namin ni Angela, at binigay naman namin, mabait naman si Jerome eh. Nakita ko naman si Luke na papalapit sa pwesto namin.
''Pinsan dito ka na.'' pag-aaya ko kay Luke. Dali-dali naman tong umupo sa tabi ni Jerome, nung nagkatinginan sila, kita ko lang ang paglaki ng mga mata ni Jerome.
''Ikaw na naman? Diba sinabi ko na sa'yo na huwag mo na akong lalapitan?'' galit na saad ni Jerome kay Luke. Teka, teka.. mukhang may issue sila ng pinsan ko ah. Kita ko naman na agad umiwas ng tingin si Jerome.
''Tol, sorry na.'' saad ni Luke kay Jerome.
''Magkakilala kayo?'' sabay na tanong namin ni Angela. Ngunit di nila kami sinagot.
''Ma-una na lang ako, sige Erika at Angela. Kita na lang tayo sa klase.. text2x na lang.'' saad ni Jerome at agad na ngang umalis.
''Luke, anyare dun?'' tanong ko kay insan.
''Hayaan nyo na yon, may tampuhan lang kami ngayon.'' sagot nito.
''So magkakilala kayo ni Jerome?'' tanong ni Angela kay Luke.
''Oo, magkakilala kami, pero tayo hindi.'' saad ni insan.
''Angela de la Vega nga pala, single.'' sabay abot ng kamay nya kay Luke. Natawa na lang ako, pati ba naman yong salitang 'single' binanggit pa nya, haha.
''Luke Andrew Bermundo.'' saad ni insan at tinanggap nya ang kamay ni Angela para mag shakehands.
''Alam mo, ang gwapo mo.'' nakangiting saad ni Angela, at nginitian lang din sya ng pinsan ko.
''Erika nasa'n na yong lalaking kasama mo kahapon? Yong... hmm, 'keep off the grass' ba yon?'' tanong ni Luke. Natawa naman kami ni Angela.
''Ah, ewan ko. Hindi naman kami close nun eh.'' sagot ko
''Magkasama kayo ni Carl kahapon?'' tanong ni Angela na may nang-aasar na ngiti.
''Shut up nga Angela. Luke pano kayo nagkakilala ni Jerome?''
''Iisang subdivision lang kami nun eh.''
''Okey, pero di ko pa sya nakita dun sa subdivision nyo, lage naman akong pumupunta sa inyo pero di ko sya nakita dun.''
''Minsan lang kasi lumalabas ng bahay nila yon eh.'' sagot ni Luke.
''Magkaibigan ba kayo nun?'' tanong ni Angela, tumango naman dito si Luke.
''So bakit parang may issue kayo? Nag-away ba kayo?'' tanong ko.
''Magkasama kasi kami nung nakaraang gabi eh, nalasing kaming pareho, tapos sinundo kami ni Dad, nasermonan sya ni Dad at nasuntok sya ni kuya Andrei. Kaya ayon di na nya ako pinapansin, sabi pa nya wag na daw akong magpapakita sa kanya.'' pagpapaliwanag ni Luke.
''Kawawa naman pala sya, hindi naman siguro malakas ang pagkasuntok ni kuya Andrei diba?'' tanong ko.
''Hindi naman.'' sagot nito.
''Bakit di mo sya pinagtanggol?'' tanong ni Angela.
''Lasing na lasing ako nun eh, muntikan na nga akong pagbuhatan ng kamay ni Dad pagdating sa bahay. Buti na lang napigilan sya nila kuya Dave at kuya Dennis. Baka na coma siguro ako ngayon kung nabugbog ako ni dad.'' seryosong saad ng pinsan ko. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Dali-dali lang kaming bumalik sa mga classroom namin ng magbell na.
♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀
→To Be CONTINUED
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento